March 4. A day I will
never ever forget. How could I? This is my second birthday. SECOND BIRTHDAY. I
guess, I owe you some explanations, huh. Well, I think the best way for me to
explain how come people could have 2nd, 3rd, 4th,
5th, 6th, 7th, or even up to 100th birthday
is by getting an excerpt from my book entitled “Sari-sari Store’. This
particular excerpt will tell you everything how in the world I was able to have
a 2nd birthday.
Oh, by the way, this
is the cover of my book. It’s not quite artistic. But this is the best I could
come up with. And I can assure you that the title really tells everything about
the book.
Enjoy reading…
“…Una
kaming nakapuwesto sa isang tulay na may nakapagandang view sa baba. Buti na
lang at gabi, hindi ko na nakita ang kagandahan ng view doon. Nag-usap kami.
Ng kung anu-ano lang. Hanggang umabot kami sa second birthday ko. At doon ako
nalungkot. Hindi niya alam kung kailan ang birthday ko. Ok lang sana kung hindi niya alam iyong second birthday ko. Pero ang first birthday ko? Iyon ang nakakalungkot.
Pero hindi ko ipinahalata sa kaniya iyon. Ayokong masira ang magandang gabing
iyon. Hindi niya lang alam na tumatalun-talon ang puso ko ng mga oras na iyon.
Na-dislocate nga, eh. Napasok sa baga ko sa kakatalon! Kinakailangan ko pa ng
operasyon para maibalik sa dati ulit.
Second birthday. Paano nga ba
nagkakaroon ng second birthday ang isang tao? Simple lang. Kung nakatakas siya
sa isang tiyak na kamatayan! At isa ako sa masuwerteng nakatakas mula kay
Kamatayan!
March 4 iyon, 2006. Birthday ng
adviser namin at English teacher. Nagplano kaming magkakaklase na batiin siya sa
tradisyonal na paraan: ang Mañanita! Sa bahay kami nagplano noon, eh. Meron pa
nga kaming ginawang malaking message board na may mga drawings ng paa na siyang
pagsusulatan namin ng mga mensahe para kay Ma’am, eh. Hindi naman talaga board
iyon, eh. Cartolina lang. Sinabi mo lang na message board kasi pangit naman
kung message cartolina ang sinabi mo, ‘di ba? Pagkatapos makapagsulat ang mga
kaklase ko, isa-isa silang nagsiuwian hanggang apat na lang kaming natira sa
bahay. Doon na kami nagpaumaga. Magkikita-kita na lang kami sa may kanto
malapit sa bahay nina Ma’am. Nung mga panahong iyon, uso na ang gitara. Kaya
kahit papaano, may saliw ng gitara ang aming kanta! Hindi kasi maganda kung sa
sariling boses lang namin kami aasa. Lalo na’t kasali ako!
Umalis kaming apat sa bahay nang
hindi nakatulog. Madaling-araw iyon. Subukan mong mag-mañanita sa tanghali. Pagtatawanan
ka lang. Kami yata ang pinaka-unang dumating. At naghintay pa kami ng eksaktong
isang taon para sa iba pa naming kasama. Eksaktong isang taon para pagdating
nila, birthday pa rin ni Ma’am. Sulit ang aming paghihintay.
Nang makumpleto na kami at medyo
nakapag-ensayo na ng aming kakantahin, tumuloy na kami sa tapat ng bahay nina
Ma’am. Ang dilim! Ang dilim-dilim talaga! Pero ok lang. Andoon naman si Yvonne,
ang Miss Liberty namin.
Inabot pa ng ilang oras, minuto at
segundo bago kami makapagsimulang kumanta! Wala kasing lumalabas sa mga bibig
namin, eh. Wala ding may gustong magpasimula. Naku talaga! Ang batch na ‘to
talaga! Pero nairaos din naman namin. At nagising namin si Ma’am (hindi dahil
sa ganda ng aming kanta, kundi sa ingay ng aming pagtatalo! Palpak!). Pero pinatuloy
pa rin kami ni Ma’am at pinasalamatan kami sa aming munting handog para sa
kaniyang kaarawan.
Masarap na Arroz Caldo ang inihanda
ni Ma’am. Tamang-tama sa nilalamig kong tiyan. At pagkatapos ng masarap na
almusal at kuwentuhan, nagpaalam na kami kay Ma’am upang umuwi at matulog sana.
Sana!
Bago kami nagsiuwian, dumaan muna
kami sa aming eskwelahan upang tingnan ang alaga naming mga petsay. Kung kumain
na ba. Kung nakatulog ba nang maayos. Kung hindi ba nilamig sa buong magdamag.
Pero pagdating ko doon, wala naman akong nakitang problema. Ayos lang naman ang
lahat. Kaya nagsiuwian na kami para matulog sana. Sana!
Kaso nagkayayaang maligo sa dagat! At
ako naman ay siguradong maiinggit kapag hindi ako nakasama. Pero sigurado din
akong hindi ako papayagan ng aking butihing ina. Kaya, may ginawa akong
kabulastugan. Nagpalusot ako. Nasa bahay pa ang kaha ng gitarang ginamit namin
para sa mañanita. Kaya nagpaalam akong isasauli ko lang iyon. Pero ang totoo,
balak kong tumuloy sa dagat at sumama sa paglangoy! Na muntik nang kumuha ng
buhay ko!
Naalala ko pa, nagdasal pa kami bago
lumusong sa dagat. Nang mga oras kasi na iyon, halos lahat kaming nandoon ay
YFC’s na. Kaya marunong na kaming magdasal at humingi ng patnubay ng Panginoon.
Medyo maalon kasi.
Sa umpisa, masaya! Masarap sagupain
ang paparating na malalaking alon at hayaan ang katawang maanod hanggang sa
dalampasigan. Masarap talaga! Pero naging masaklap!
Isa sa mga kaklase ko ang
napapalayo. Sa una, hindi pa ako nag-aalala. Alam kong marunong lumangoy ang
kaklase kong iyon, eh. Pero habang tumatagal, nagsimula akong mangamba. Hindi
pa kasi niya nagagawang bumalik sa mababaw na parte ng dagat. Kaya naman,
kasama ang dalawang lalaking kaklase ko, nilapitan namin siya upang masamahan
palapit sa dalampasigan. Pero tinarayan pa kami ng lola mo at sinabihang,
“Bakit kayo nandito?”. O, ‘di ba? Ang taray talaga. Nang akma na kaming
babalik, humawak siya sa isa kong kaklase at nagpasama pabalik sa dalampasigan.
Ako! Ako na ang nahirapang bumalik! Kahit anong gawing kong paggalaw sa aking
kamay at paa papunta sa dalampasigan, nadadala pa rin ako ng malakas na daloy
ng tubig papunta sa mas malalim na parte ng dagat. Sa madaling sabi, palayo ako
nang palayo sa dalampasigan! Aaminin kong hindi ako athletic at payat pa ako ng
mga panahong iyon. Hindi ako kasing lakas ng dalawa kong kaklase na madaling
nakabalik sa dalampasigan hindi tulad ko na napalayo pa. Hindi pa marahil nila
napansin iyon sa umpisa. Pero nung umahon na sila sa dagat at marahil kamay ko
na lang ang nakikita nila sa malayu-layong parte ng dagat, nag-alala na sila!
At, siyempre, ako rin! Sobra-sobra
ang nararamdaman kong pag-aalala para sa sarili kong kaligtasan ng mga oras na
iyon! Ang dami ko nang nainom na tubig. Naisip ko pa nga, puwede pa akong
maligtas sa pagkalunod pero mamamatay din naman ako sa poisoning! Pero sa
kabutihang-palad, binalikan ako ng isa kong kaklase na may pambihirang laki ng
katawan at nakaramdam ako ng pag-asa. Pero mali ako, nahirapan siyang akayin
ako pabalik sa dalampasigan! Pareho na kaming palutang-lutang sa gitna ng
dagat! Dumoble ang pag-aalala ko! Nandamay pa ako ng isa pang buhay! Ang sama
ko! Pero kumapit pa rin ako sa kaniya. Marahil kung hindi, wala na talaga ako
sa mundong ito!
Pinuntahan pa kami ng isa ko pang
kaklase upang tanungin kung ang-e-enjoy daw ba kami. Sabi ko, “HINDI!!!”.
Siyempre, biro lang ulit iyan. At nagawa ko pa talagang magbiro sa ganitong
klaseng kuwento *<tawa>*.
Pero totoong pinuntahan kami ng isa
ko pang kaklase para tumulong, sa pagkakataong iyon, sa aming dalawa! Pero
hindi din nagtagal, sumuko siya at bumalik mag-isa sa dalampasigan! Nabibigatan
daw siya sa T-shirt at maong shorts niya. Akalain mo iyon? Doon na ako nawalan ng
pag-asa para sa aming dalawa! At ewan ko kung maniniwala ka, dahil ako mismo
ayaw maniwala, nakakita ako ng liwanag sa mula sa taas. At doon ko naalalang
magdasal! At pronto! May dumating na tulong. Sa pagkakataong iyon, handa siya
dahil may dalang mahaba at matabang kahoy sa paglapit sa amin. Para may
makapitan kami habang tinutulak niya ang kahoy palapit sa dampasigan, palapit
sa bagong buhay!
Pagdating sa dalampasigan,
hapung-hapo ako! Ang dami pang gustong magpa-autograph kahit nakikita na nilang
pagod na pagod ako! Ang dami kasing tao. Pakiramdam ko tuloy noon isa akong
artistang matagal nang hindi umuuwi ng Capul City! Bumagsak ako sa buhangin.
Inisip ko pa noong tumayo, mag-lakad-lakad, at magtumbling para isipin ng mga
tao na walang nangyari. Pero hindi ko nahanapan ang katawan ng lakas upang
gawin iyon. Sa halip, may umakay sa aking patayo, pinaankla ang aking kaliwang
braso sa kaniyang batok at pinalakad papunta sa pinakamalapit na bahay!
Doon ko mas naramdaman ang pagod!
Nakaupo na ako habang maraming mata ang nakatingin sa akin. Para akong kriminal
na hinatulan ng pagkamatay sa pamamagitan ng silya elektrika! Alam ng Diyos
kung gaano ko gustong matulog sa mga sandaling iyon. Simple lang. Naubos ang
lahat ng lakas sa katawan ko! Pero hindi nila ako pinayagang matulog! Kahit daw
anong mangyari huwag akong matulog! Bakit? Bakit hindi? Hindi ba nila nakikita
ang pagod at pagkahapo ko? Hindi ba nila nakikitang lupaypay na ako? Bakit
ganun? Walang sumagot! Simple lang ulit, dahil hindi ko naisatinig ang mga
tanong na iyan! Pagod din kasi ako para makapagsalita. Sa halip, pinalitan nila
ang damit ko. At doon dumating ang butihin kong ina. Nagpasalamat siya sa mga
tumulong sa akin at isinakay ako sa scooter na dala niya pauwi! Hindi ko man
lang nagawang magpasalamat sa taong tumulong sa akin. Pero kung sino man siya
at kung nasaan man siya, labis-labis ang pasasalamat ko sa kaniya sa tulong na
binigay niya noong panahong nangailangan ako. Labis-labis ang pasasalamat ko sa
pagdugtong niya sa buhay ko. Para sa’yo, MARAMING SALAMAT!
Pagdating
ng bahay, pinaligo ako ng butihin kong ina at pinilit na kumain bago matulog.
Hindi ko alam kung saan ako nakahugot ng lakas para magawa pang maligo at
kumain! Dahil na rin siguro sa kagustuhan kong makatulog na, ginawa ko iyon
nang walang reklamo! At natulog na ako!
Doon ko napatunayan ang
kapangyarihan ng pagdadasal at pananampalataya sa Panginoon. Doon ko
napatunayan kung gaano kabilis duminig ng panalangin ang Panginoon. Kaya mula
noon, hanggang ngayon, kapag March 4, dumadaan ako sa simbahan upang magsindi
ng kandila at mag-alay ng dasal ng pasasalamat!
Ito
ang nakakatuwang parte ng kuwentong iyan. Kinahapunan, pagkagising ko, pumunta
ako sa bahay ng kaklase kong kasama kong muntik na sanang malunod. Kinamusta ko
siya at kinamusta din naman niya ako. Ok na ang pakiramdaman ko noon, may
konting hilo lang. Sa dami siguro ng nainom kong tubig-dagat. Niyaya niya ako
sa birthday party ng pinsan niya. Na, sa malayong pagkakakamag-anak, ay pinsan
ko din. Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa. Pumayag ako at sumama sa kaniya! Akalain
mo iyon, nakuha ko pang maki-birthday. At doon ko nalaman kung gaano kabilis
tumakbo ang balita (at kung paano mabilis ding magbago!). Mantakin mo ba naman,
may isang ale daw na naglilibot ng isda ang nagtsismis sa isang teacher namin
sa CAIS na may nalunod daw nitong umaga at namatay! NAMATAY! N-A-M-A-T-A-Y!
NAMAN! PINAPATAY NA AKO NG ALENG IYON! Pero hindi ko na masiyadong inisip iyon.
Nabaling ang atensiyon ko sa nagsasarapang handa ng celebrant: may lechon, may
Spaghetti, may _______, may _______, may
_______, may _______, may _______, may
_______, may _______, may _______, may _______, may _______, may _______, may _______, may _______, may _______,
may _______, may _______, may _______, may _______, may _______, may _______,
at may _______.
Sarap na sarap ako sa kain ko noon.
Pagkatapos, umuwi kami kaagad. Eat and run lang. Hindi naman mapapansin kung
may dalawang nawala na lang ng parang bula pagkatapos kumain.
Diretso kami pauwi, pareho lang
naman ang daan papunta sa mga bahay namin. At nakasalubong namin ang mga
kaklase kong muntik nang mawalan ng kaklase. Sila iyong mga nakasama ko sa
paglangoy umaga noong araw na iyon. Galing daw sila sa bahay para dalawin ako.
At nakatanggap na naman ako ng katakut-takot na kantiyaw nang sinabi ko sa
kanila kung saan ako galing *<hagikhik>*.
Iyon ang second birthday ko. March
4, 2006…”
That’s just about it.
Quite a long story, eh. Anyway, if you wanted to read the entire book, just
contact me. So, we could talk about it. But I have to warn you, though. It’s a
456-page book. Quite lengthy. But I can assure you entertainment if you’re just
too patient to read it.
Oh, well. Happy
birthday to me! Toodles.
Ngayon pala. Happy 6th Birthday Mentor :)
ReplyDelete